papatunayan ko sa Linggo na ako pa rin ang nagbiisang Piercing Master! (Taken with instagram)

1 week ago on 05/25/12 at 07:47pm

naka quota na ko sa sinabi kong at least two concerts this year. Makabuluhan na ang buhay ko. More concerts to come! cheers

1 week ago on 05/24/12 at 11:25pm

mehehe (Taken with instagram)

1 week ago on 05/23/12 at 08:34pm

pahiyas festival! (Taken with instagram)

1 week ago on 05/23/12 at 08:32pm

Kasya sakin yung uniform ng gradeschool. hahaha (Taken with instagram)

1 week ago on 05/23/12 at 07:57am

I’m ready for #lifehouseinManila (Taken with instagram)

1 week ago on 05/22/12 at 03:57pm

bon voyage!

1 week ago on 05/21/12 at 08:24pm

patience is a virtue

Halos dalawang oras na ko nag hihintay sa pagawaan ng mga laptop/computer dito sa Gilmore habang hindi ko alam kung ilang oras pa ang dapat kong tiisin. Habang nag hihintay ako dito, may hinihintay din ako sa Cubao, double-hintay. Sa mga kabarkada ko, ako rin ang madalas maghintay, kung hindi ako on-time, siguro mga 30 minutes or more na advance naman. Nabuo lang sa prinsipyo ko mismo na ayokong natataranta. Pero hindi lahat ng hinihintay lang ang napepressure, napepressure din kami dahil minsan, yung mga kasabay mo, dumating na lahat ng hinihintay nila at ikaw na lang ang naiwan mag isa. Walang nakakaalam kung anong oras sya darating. secret lang. walang clue. Pero matiyaga ka pa rin nag hihintay kahit na sa dulo, siya rin pala naghihintay sayo.

1 week ago on 05/21/12 at 01:59pm

wala nang hiya hiya ‘to, tutal wala namang pakundangan ang pag hahasik ng lagim ng ebak ko e. Nagiging suki na kasi ako ng mga pampublikong kubeta dahil palagi na lang ako naaabutan ng tawag ng kalikasan pag lumalabas ako ng bahay, tulad na lang nung isang araw na nakasakay ako sa FX papasok ng trabaho, nasa kalagitnaan na ko ng byahe nang maramdaman ko an hindi dapat, wala naman akong choice kundi ang tumae sa mall. Pagdating ko sa isang mall sa cainta, agad ako tumuloy sa pinaka taas nilang kubeta, yun bang tago at wala masyadong pumapasok. Sakto yung promo materials namin sa kompanya e mga wet wipes kaya keribumbum lang jumebs kahit walang panghugas. May mangilang-ngilan tao sa loob ng banyo pero deadma lang, dinahan dahan ko lang pag ire dahil baka tumunog, eskandalo yun pag nagkataon. Successful naman ang buong proseso, medyo eskandalosa nga lang yung amoy pero pag labas ko kunware nabahuan din ako, di ko lang napansin na yung pawis ko pag labas ko butil butil, shet. trace of evidence. Binilisan ko na lang ang pag kembot palabas. Nakalimutan ko tuloy mag hugas ng kamay

#tae  #scandal  #self  
2 weeks ago on 05/18/12 at 08:13pm

Nakakaburyong kapag yung tv mo sa kwarto hindi pinakabitan ng splitter ng cable, puro channel 7 at 5 lang napapanood ko. Uso ba talaga yung mga dancer sa game show na nag tatanga tangahan? jirits

2 weeks ago on 05/18/12 at 08:03pm